Alinsunod sa mandato ng Korte Suprema na maibalik ang dating kaayusan at kalinisan ng Manila Bay, nagsagawa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng Bataan ng isang panlalawigang oryentasyon ukol sa programang 2024 Barangay Environmental Compliance Audit (BECA) kahapon ika-19 ng Agosto, 2024, gamit ang Zoom platform.
Ang layunin ng oryentasyong ito ay ihanda ang lahat ng barangay para sa nalalapit na compliance audit, na tutukoy sa kanilang pagsunod sa RA No. 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Program.
Kabilang sa mga pangunahing tinalakay ay ang bagong pamantayan sa pagkakaroon ng Barangay Community Garden, na magiging bahagi ng mga kriteriya para sa 2024 BECA.
Dumalo sa oryentasyon ang mga punong barangay, mga kalihim, at mga kagawad na namumuno sa komite ng kapaligiran. Sa aktibidad na ito, nakibahagi rin sina PD Belina T. Herman, CESO V, CTL Cristy M. Blanco, mga pinunong tagapagpakilos ng pamahalaang lokal at LGOO V Joanna Marie Cruz.
Ang nagsilbing tagapagsalita at tagapagdaloy ng programa ay sina ADA VI Joseph Castro, DILG Bataan Manila Bay Focal Person, at ADA IV Rhejean P. Calbone.