DOST PAGASA WEATHER

DILG Feeds

Like us on Facebook
 

TSLogo

 

BATAAN LOCAL OFFICIALS MASTERLIST 
 Local Chief Executives (2019-2021)
 Sanggunian Members (2019-2021)
 Barangay Officials (2018-2020)


 

 

 

 

Sumailalim sa online at on-site assessment ng LTIA National Validation Team ang Brgy. Cupang Proper (City of Balanga), Brgy. Mulawin (Orani), at Brgy. Sta. Lucia (Samal) bilang mga kalahok sa iba't ibang kategorya ng 2024 Lupong Tagapamayapa Incentives Awards mula ika-12 hanggang ika-14 ng Agosto, 2024.

Matatandaang ang mga barangay na ito ay nagwagi sa LTIA regional level sa kani-kanilang kategorya: Brgy. Cupang Proper sa City Category; Brgy. Mulawin sa 1st to 3rd Class Municipality Category; at Brgy. Sta. Lucia sa 4th to 6th Class Municipality Category.

100.3.jpg

Ipinakita nina Punong Barangay Alicia Sacdalan, PB Marvin Dela Cruz, at PB Ruperto Forbes, kasama ang kanilang mga lupon, Barangay Secretaries, Barangay Treasurers at summon officers o Barangay Tanod, ang kanilang mahusay na pagganap sa pagpapatupad ng Katarungang Pambarangay sa LTIA National Validation Team. Kasama sa nasabing team sina Usec. Irene De Torres Alogoc at Ms. Elsie Rose Malto-Gayo mula sa Office for Alternative Dispute Resolution (OADR), Atty. Jose T. Name at Atty. Agustini Alfonso C. Guanio ng Supreme Court, Dir. Debbie Torres ng DILG-Bureau of Local Government Supervision (BLGS), PLTCOL Allan De Leon ng Philippine National Police, at Ms. Jean Coleen Arana ng Gerry Roxas Foundation.

Sinuportahan din ng iba't ibang opisyales sa Bataan ang validation, kabilang sina Kgg. Jose Enrique S. Garcia III, Kgg. Francis Anthony S. Garcia, Kgg. Ronald Ortiguerra, Kgg. Ma. Cristina M. Garcia at Kgg. Antonio B. Roman III.

100.2.jpg

Dinaluhan din ito ng kinatawan mula sa DILG R3 na si LGOO IV Renzo R. Miranda, Regional LTIA Focal Person, DILG Bataan, sa pangunguna ni Dir. Belina T. Herman, kasama sina CLGOO Mildred L. Sazon (City of Balanga), MLGOO Catherine R. Aduna (Orani), at MLGOO Haidee C. Balicolon (Samal), Program Manager Danilyn M. Peña, LGOO V Joanna Marie M. Cruz, LGOO II Vangie C. Rodriguez, at ADA VI Joseph F. Castro.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng tatlong nominasyon mula sa lalawigan ng Bataan sa iba't ibang kategorya.

100.1.jpg

Ang LTIA ay isang programa ng DILG na naglalayong kilalanin ang mga Lupon na nagpapamalas ng kahusayan sa Barangay Justice System, na isang matiwasay at patas na paraan ng paglutas ng mga reklamo, gusot, at mga kasong pambarangay.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

PD Yen3