Para sa buwan ng Agosto, idinaos ng DILG Bataan ang Panlalawigang Pagpupulong o ang Provincial Team Conference (PTC) noong Agosto 29, 2024 sa 1Bataan Command Center, Orani, Bataan.
Sa mensahe ni Dir. Belina Herman, Punong Patnugot ng DILG Bataan, nagbigay siya ng buod ng mga naging aktibidad ngayong buwan tulad ng Lupong Tagpamayapa Incentive Awards (LTIA) national validation at Seal of Good Local Governance for Barangays (SGLGB) provincial assessment na naging matagumpay.
Binigyan diin rin niya sa pangkat, partikular sa mga Pinunong Tagapagpakilos ng Pamalahaang Lokal (C/MLGOOs), ang kahalagahan ng maayos na pagpapadaloy at pagpapatupad ng mga panukala sa mga lokal na yunit ng pamahalaan.
Gayundin, pinaalalahanan rin niya ang mga dumalo na manatiling masigasig sa pagganap ng tungkulin bilang mga local government operations officers (LGOOs) lalo na sa pagbibigay ng patnubay sa mga nasasakupan.
Samantala, ang mga focal persons naman sa mga iba’t-ibang programa ay nag-ulat ng mga estado ng mga dapat isumite, mga paparating na pagsasanay, at iba pang gawaing may kaugnayan na mga programa ng Kagawaran.
Sa pagtatapos ng aktibidad nagbigay ng mga ilang paalala ang pinuno ng pangkat ng kumpol na si LGOO VII Cristy Blanco ukol sa darating na 2024 Seal of Good Local Governance (SGLG) national validation sa mga bayan ng Abucay at Mariveles.