MUST WATCH

              ZAMBALESAVP  

                 AN AUDIO VIDEO PRESENTATION    

Sa pangunguna ng Panlalawigang Pamahalaan ng Zambales sa pamamagitan ng Provincial Planning and Development Office katuwang ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) Zambales, matagumpay na isinagawa ang Collaborating for Better Drug Rehabilitation and Prevention Training noong ika-16 at 17 ng Enero taong 2025 sa Balin Sambali, Iba, Zambales.

 

Ang aktibidad na ito ay nakatuon sa Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP), bilang konkretong tugon ng pamahalaan upang labanan ang problema ng ilegal na droga sa grassroots level. Ito rin ay sumasalamin sa  ating kolektibong layunin na hindi lamang sugpuin ang ilegal na droga kundi bigyan ng bagong pag-asa ang ating mga kababayan na naligaw ng landas. 

 

Binigyan diin ni G. Emmanuel C. Adaoag, En.P. ang Provincial Planning and Development Coordinator ng lalawigan sa kanyang mensahe na isa sa mga pangunahing layunin ng Panlalawigang Pamahalaan ng Zambales ay ang pagpuksa ng droga sa lalawigan at patuloy na pagbibigay ng tuon sa mga nangangailangan, kaya naman ang CBDRP Training ay naisulong bilang isang hakbang upang mapunan ito. 

 

Tinalakay naman nila G. Glenn Guillermo, Preventive Education and Community Involvement Section Chief mula Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region Office 3, LGOO VII Melissa D. Nipal, Cluster Team Leader ng DILG Zambales, LGOO V Aljon S. Bautista, Monitoring and Evaluation Section Chief ng DILG Zambales, Bb. Jianne Rae C. Sanchez ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Dr. Maria Olivia E. Alquizar-Ogalesco ng Provincial Health Office (PHO) ang Understanding Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP), Provincial Drug Situation in Zambales, Status of Barangay / Municipal Drug Clearing Program in Zambales, Drug Free-Workplace Program, Effective Referral Mechanisms, Rehabilitation Programs, Preparing PWUDs for Reintegration, Aftercare and Monitoring at Role of the LGUs in Sustaining CBDRP Efforts.

 

Ang dalawang araw na programa ay dinaluhan ng mga Punong Barangay bilang BADAC Chairpersons, Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) Focal Persons, Municipal Health Officers, Municipal Social Welfare and Development Officers, Chief of Police, mga miyembro ng Civil Society Organization (CSO), mga representatib mula sa Provincial Planning and Development Office (PPDO), Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), at Zambales Provincial Police Office (ZPPO).

 

MARTIN PORRES B. MORAL, CESO V
Provincial Director

Log-in Form

Follow Us On

 

 DILG ZAMBALES FB ACCOUNT