MUST WATCH

              ZAMBALESAVP  

                 AN AUDIO VIDEO PRESENTATION    

Masayang isinagawa ng DILG Zambales ang kanilang kauna-unahang Provincial Team Conference (PTC) para sa taong 2025 noong ika-14 ng Enero, 2025, na ginanap sa Paper Tree, Villanueva Road, Namatacan, San Narciso, Zambales.

Ang aktibidad na ito ay nagsilbing plataporma ng DILG Zambales upang mabigyan pansin ang mga gaps at magbalangkas ng mga istratehiya sa iba’t-ibang programa at awdit ng DILG at pagbabahagi ng pinaka magandang pamamaraanupang mapunan ito.

Tinalakay nina LGOO II Alled Aron C. Dela Cruz, LGOO II Carla G. Maranoc, ADAS II King Andrew Phil Apsay at ADAS II Theresa Marie Q. Badar ang estado ng mga ulat sa ilalim ng kani kanilang seskyon: Monitoring and Evaluation Section (MES), Capability Development Section (CDS) at Financial Administrative Section (FAS). Samantala, nagbigay rin ng update hinggil sa Locally Funded Projects (LFP) si Engr. Dorothy Joy U. Causing, at ibinahagi ng mga process owners ang mga updates sa pagpapatupad ng Quality Management System (QMS).

Inilahad naman ni LGOO V Paulin Johanne Reyes-Miranda, OIC-Program Manager ng DILG Zambales, ang estado ng ilang awdit, kabilang ang mga obserbasyon at rekomendasyon upang higit pang mapabuti ang performance ng mga LGU bilang paghahanda para sa susunod na taunang assessment.

Ipinaalala naman ni LGOO VII Melissa D. Nipal, pinuno ng kumpol na pangkat ang agarang pagsusumite ng mga ulat at paggawa ng iba pang mga gawain, administratibo man o teknikal.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan naman ng Panlalawigang Patnugot ng Zambales Martin Porres B. Moral, CESO V, ang lahat at sinabing, “Ang sarap magtrabaho sa DILG Zambales dahil nariyan kayong lahat na tumutulong at umaalalay patungo sa pagtupad ng ating misyon”. Kaniya ring ipinaalala ang tungkol sa layunin ng Provincial Team Conference at iyon ay ang mabilisang tugon sa trabaho at ang pagtingin sa kalagayan ng bawat isa ng sa ganoon ay matulungan at mapunan ang ang aspeto kung saan nahihirapan o may pagkukulang.

Matapos ang talakayan at pagbabahagi ng mga ideya patungo sa mas magandang peformance ng pangkat ay dumako naman ang lahat sa susunod na parte ng programa.

Isa sa mga naging highlights ng aktibidad ay ang pagbibigay pugay at pasasalamat sa dedikasyon ng mga magreretirong kasamahan na sina LGOO VI Levy C. Swing at LGOO VI Milaflor A. Torcadilla sa pamamagitan ng TREAT o “Thanksgiving and Recognition of Exemplar Achievement for ouTgoing Personnel”. Nagbahagi ng mensahe ang mga katrabaho, naging katrabaho at mga malalapit sa puso ng mga nasabing empleyado sa kanilang ipinamalas na dedikasyon sa trabaho na naging inspirasyon at magandang ehemplo sa kapwa empleyado.

Isinulat nina:

ADAS II Theresa Marie Q. Badar at ADA VI Kaye Therese F. Uy

 

MARTIN PORRES B. MORAL, CESO V
Provincial Director

Log-in Form

Follow Us On

 

 DILG ZAMBALES FB ACCOUNT