Noong ika-26 ng Hunyo, taong kasalukuyan, pinasinayaan ang bagong Earthquake Early Warning System sa Bayan ng Pura. Ang proyektong ito, na nagmula sa P1,800,000.00 na pondo na natanggap ng lokal na pamahalaan bilang kanilang FY 2023 Seal of Good Local Governance (SGLG) - Incentive Fund, ay isang malaking hakbang tungo sa mas ligtas na komunidad.

Sa pamumuno ni Mayor John Paul M. Balmores, ang proyektong ito ay naglalayong mapadali at mapalawak ang pag-alerto at pagresponde sa mga residente sakaling makaranas ng lindol o iba pang sakuna. Bukod dito, magagamit rin ang sistema upang kumalap ng mahahalagang datos para sa pag-aaral ng mga lindol, na magbibigay ng mas malalim na kaalaman at kahandaan.

Dinaluhan ang inagurasyon ng mga kinatawan mula sa DILG Region III, kasama si Assistant Regional Director Jay E. Timbreza, CESO V, at ng DILG Tarlac kasama si Cluster Leader Dennis A. Daquiz. Kasama rin sa mahalagang aktibidad na ito ang masisipag na lokal na opisyal at mga Department Heads ng Lokal na Pamahalaan ng Pura.

Ang bagong Earthquake Early Warning System ay simbolo ng pagkakaisa at pagsusumikap tungo sa inaasam na progreso ng Bayan ng Pura. Sa kanilang ika-anim na parangal mula sa SGLG, patunay ito na ang Pura, Tarlac ay ehemplo ng maayos at tapat na pamamahala, na may malasakit at dedikasyon sa kanilang mga nasasakupan.

#SIKADTarlac

#TatagatLakasngTarlac

#TALAngTarlac

#TANGLAW

#MatinoMahusayatMaaasahan

 

PD's Corner

eLGRC Tarlac

eLGRC Logo2