- Details
- Written by DILG Pampanga
- Category: Uncategorised
- Hits: 1451
Tiniyak ng DILG Pampanga ang kahandaan ng bayan ng Magalang na tumanggap at magbigay ng serbisyo sa kanilang mamamyan na mag-popositobo sa COVID-19 virus sa isinagawang inspeksyon ng kanilang Municipal Isolation Facilities.
Pinangunahan nina LGOO VII Lydia Baltazar, Cluster Team Leader at LGOO VI Jacqueline R. Tallada, MLGOO ang isinagawang inspeksyon. Mayroong dalawang nakahandang pasilidad ang bayan ng Magalang na matatagpuan sa barangay San Isidro na kayang tumanggap ng sampung (10) pasyente at sa kanilang Municipal Gymnasium na kayang tumanggap ng aabot sa 52 katao. Ang mga pasilidad na ito ay mayroong maayos na higaan, bentelasyon, malinis na palikuran at nakahandang pagkain.
Ayon sa kanilang MHO, ang isang mamamayan na magpopositibo ay maaaring tumawag at makipagugnayan sa pamunuan ng barangay na ipagbibigay alam sa kanila upang sunduin ng kanilang ambulansya. Ang mga pasyenteng asymptomatic ay dadalhin sa mga nasabing isolation facilities, habang ang mga kasong severe naman ay agarang ipapadala sa mga pagagumutan.
Ang DILG Pampanga ay patuloy na magsasagawa ng mga katulad na inspeksyon upang masigurado ang kahaandaan ng mga bayan at siyudad sa pagtugon lalo na sa inaasahang pagbugso ng bilang ng mga mahahawa ng nasabing virus dulot ng bagong variant.