Pagpupugay sa Barangay Babo Sacan matapos itong kilalanin bilang Regional Top Performer ng 2024 Barangay Environmental Compliance Audit sa ilalim ng Municipal Category sa naganap na PAGMAYA 2024.
Sa unang pagkakataon na mapabilang ang Barangay Babo Sacan Porac Pampanga bilang Regional Nominee, ay tinalo nito ang mahigit kumulang 2000 barangays na kabilang sa Manila Bay Clean-Up, Rehabilitation and Preservation Program matapos nitong makamit ang pinaka mataas na parangal sa ilalim ng Barangay Environmental Compliance Audit - Municipal Category.
Isa itong testamento at repleksyon ng inyong pagsisikap at dedikasyon tungo sa isang maunlad at malinis na komunidad!
Muli, isang taos pusong pagbati mula sa DILG Pampanga. Nawa’y patuloy kayong maging halimbawa ng serbisyong-publiko!