Isinagawa ang Retooled Community Support Program (RCSP)- Ugnayan sa Barangay at Serbisyo Caravan sa Sitio Pinag-anakan, Barangay Kabayunan, Doña Remedios Trinidad (DRT) noong ika 14-ng Setyembre 2023.
Ang nasabing aktibidad ay isinasagawa ng mga lokal na pamahalaan sa mga piling barangay sa bansa upang ilapit ang mga serbisyo sa mga mamamayan ng barangay na maaaring maimpluwensyahan ng makakaliwang grupo.
Ang pamahalaang bayan ng DRT ay nagkaloob ng libreng gamot, school supplies, bigas at mga pagkain, bakuna sa mga bata at buntis, at gamit pang-agrikultura sa humigit kumulang 500 na katutubong Dumagat mula sa iba't-ibang sitio ng Brgy. Kabayunan, DRT.
Ang aktibidad ay dinaluhan ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, ng DILG Bulacan, kasama ang PNP Bulacan, 70 IB Phil Army, BFP, at mga iba't ibang departamento ng lokal na pamahalaan ng DRT.
Patuloy na pinapangunahan ng DILG ang pagpapalakas ng kapasidad ng mga lokal na pamahalaan para makatugon sa mga serbisyong kailangan ng mamamayan, lalo na sa mga lugar na mahirap ang accessiblity sa mga pampublikong serbisyo.