Sa patuloy na pagtupad ng Departamento sa layunin na makapagbigay ng mahusay at tapat na serbisyo para sa bawat Bulakenyo, noong ika-18 ng Agosto, 2023 ay personal na nagtungo ang mga kinatawan ng Panlalawigang Tanggapan upang bisitahin at inspeksyunin ang natapos na rehabilitasyon ng proyektong kontra baha sa Brgy. Saluysoy, Meycauayan. Ang nasabing proyekto ay nagkakahalagang 11,872,937 piso at kasalukuyan ng napapakinabangan ng mga residente upang maiwasan ang senaryo ng matinding pagbaha sa kanilang lugar.
Sa kabilang banda, ininspeksyon din ang isinasagawang proyektong Bamboo Eco Park sa Brgy. Pajo, Meycauayan na sa kasalukuyan ay may progreso na tinatayang 90.25% at nagkakahalagang 10,000,000 piso. Ang proyektong ito ay naglalayon na isulong ang mayamang kultura at topograpiya ng lalawigan pati na rin sa konserbasyon ng kalikasan.
Ang dalawang nabanggit ay naisakatuparan sa ilalim ng Financial Assistance to Local Government Unit (FALGU) at Disaster Rehabilitation and Reconstruction Assistance Program (DRRAP) na naglalayong makapagbigay ng tulong pinansiyal sa mga lokal na pamahalaan para sa kapakanan at ikabubuti ng kanilang mga nasasakupan.