×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 23522

Noong ika-24 ng Enero 2023 ay pormal nang pinasinayaan ang Multi-Purpose Building/Hall sa Brgy. Niugan, Angat Bulacan. Sa nasabing gawain ay pormal na ring isinalin (turnover) sa Pamahalaang Lokal ng Angat ang pagmamay-ari sa nasabing gusali kasabay nito ay nagdaos rin ng isang ribbon-cutting ang Lokal na Pamahalaan bilang simbolo ng pormal na pagbubukas ng gusali sa publiko.

 Ang nasabing seremonya ay dinaluhan ng mga opisyal at kinatawan ng Pamahalaang Bayan ng Angat, kinatawan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa pangunguna ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, kinatawan ng Pang-rehiyong Patnugot ng Abgdo. Anthony C. Nuyda, sa katauhan ni Inh. Mark Kennedy Tungol, na siya ring nagbahagi ng mensahe ng huli. Sa kanyang mensahe, pinahayag niya ang kaniyang pagbati sa mga Angateños at pinasalamatan ang mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Lokal na nagsilbing tulay upang mabilis na maisakatuparan ang proyekto.

Ang proyektong ito ay pinondohan ng Kagawaran sa ilalim ng Programang LGSF-FALGU na may kabuuang halaga na humigi't kumulang Walong Milyon Siyam na raan at Walumpu't Siyam na Libong Piso (P8,989,756.29).

Nagsimula ang pagtatayo ng nasabing gusali noong Ika-06 ng Oktubre, 2022 at natapos noong Ika-16 ng Disyembre ng kaparehas na taon. Dahilan rin sa regular na pagbisita ng Panlalawigang Tanggapan ng DILG; tuluy-tuloy na koordinasyon at pagbibigay ng teknikal na tulong, ang nasabing gusali ay maagang natapos kumpara sa naunang natukoy na inaasahang panahon na igugugol sa pagbuo ng proyektong ito.

Ang bagong tayong gusali ay ilalaan ng Pamahalaang Bayan sa iba't-ibang paggamit. Ilan sa mga nilalayong paggamit ay mga sumusunod: daycare rooms, PWD CR, mga opisina at breastfreeding area sa unang palapag; function hall na maaaring pagdausan ng mga opisyal na gawain ng Lokal na Pamahalaan, mga tanggapan, stock room, lounge at fire exit naman sa ikalawang palapag.