Sa pagsisikap ng Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan at ng League of Municipalities of the Philippines (LMP)-Zambales Chapter, naging matagumpay ang LMP Zambales Provincial Chapter Election para sa termino 2022-2025 noong ika-16 Agosto 2022 na ginanap sa Funtasea Resort, Iba, Zambales.
Ang lahat ng punong bayan ng lalawigan ng Zambales ay dumalo at bumoto at ang nasabing halalan ay naisagawa ng maayos sa pangunguna ni Panlalawigang Patnugot Martin Porres B. Moral, Punong Bayan Roland F. Apostol bilang Interim President at Deputy Executive Director Alvine Gaye Pizzaro, kinatawan mula sa LMP National Office, kasama rin bilang panel of observers sina LGOO VII Jude B. Romero, Cluster Team Leader at LGOO II Rose Ann D. Agostosa, Acting Program Manager ng DILG Zambales.
Batay sa resulta ng halalan, ang mga sumusunod ay idineklara na nagwagi:
Presidente: Kgg. Jeffrey D. Khonghun (Castillejos)
Bise-Presidente: Kgg. Jun Omar C. Ebdane (Botolan)
Kalihim: Kgg. Irenea M. Binan (Iba)
Ingat-Yaman: Kgg. Reinhard E. Jeresano (San Felipe)
Auditor: Kgg. Ronald F. Apostol (Cabangan)
PRO: Kgg. Elmer R. Soria (San Marcelino)
Lupon ng mga Direktor: Kgg. Jonathan Khonghun (Subic)
Kgg. Edzel L. Lonzanida, MD (San Antonio)
Kgg. Larraine A. Sarmiento (San Narciso)
Kgg. Billy M.Aceron (Palauig)
Kgg. Arsenia J. Lim (Masinloc)
Kgg. Byron Jones E. Edquilang (Candelaria)
Kgg. Consolacion M. Marty (Sta. Cruz)
Ang halalan ay alinsunod sa Seksyon 21 ng Artikulo VIII ng New By-Laws ng LMP na nag bibigay kaalaman para sa paglikha ng isang Provincial Chapter na nagsasaad na "All Municipal Mayors in every province shall convene in their capacity as representatives of their respective municipalities and elect their respective Provincial Chapter Officers from among themselves whose primary duty is to carry out all policies and instructions formulated by the National Executive Committee and/or the National Directorate".
Patuloy na susuportahan ng Kagawaran ang LMP hindi lamang sa susunod na tatlong taon kundi sa mga darating pa na taon upang tiyakin na ang serbisyo sa publiko ay maayos na maihatid at mayroong pangmatagalang epekto sa mga tao.