Ang DILG Pampanga ay nagsagawa ng Panlalawigang oryentasyon sa implementasyon ng Barangay Environmental Compliance Audit (BECA) noong Agosto 16, 2022, gamit ang Zoom Platform alinsunod sa mandato ng Supreme Court na nag-uutos na linisin at panumbalikin ang ayos at linis ng kapaligiran sa Manila Bay watershed area.
Dinaluhan ito ng mga DILG Field Officers, Punong Barangay, kanilang Kalihim, at mga miyembro ng Pambayan/Pangsiyudad na Assessment Committee o C/MAC.
Sentro ng talakayan ang dalawang bagong indicators at tools na gagamitin ngayong taon. Gayundin, tinalakay ang Panrehiyong Memorandum Sirkular Bilang 2022-006 patungkol sa Updated Guidelines in the Implementation of BECA.
Inaasahang magsisimula ang table assessment and on-site validation ng C/MAC sa Agosto 25 hanggang Setyembre 9, taong 2022. Samantala, ang pagsusumite ng City/Municipal Best Performing Barangay sa PAC ay magsisimula sa Setyembre 12 hanggang 15, 2022.