Nagbigay ang DILG Angeles City ng oryentasyon patungkol sa Records and Database Management noong Agosto 10-12, 2022 sa Canyon Woods Resort Club upang sanayin ang mga opisyal ng barangay sa proseso ng pangangasiwa sa paglikha, pagtanggap, pagpapanatili, pagtatala, at pagpapakalat ng mahahalagang dokumento at impormasyon.
"Napakaimportante ng roles ng bawat myembro ng inyong barangay para mapanatili ang maayos na management ng inyong mahahalagang dokumento," ayon kay City Director Darwin D. David. "Kung kaya ay minabuti na namin makapagbigay ngayon ng oryentasyon patungkol sa records management base na rin sa mungkahi ng mga barangay secretary noong sila ay bumisita sa aming opisina."
Bukod sa pagsasanay sa pangangasiwa ng pagtatala, nagbigay kaalaman din ang DILG-AC sa mga dumalong opisyal tungkol sa mga importanteng nilalaman ng National Archives of the Philippines Act of 2007, aplikasyon ng online file storage at tamang pagsasalin ng mga mahahalagang dokumento, gamit ng mga pampublikong opisina.
Mahigpit ring nagpaalala ang DILG-AC patungkol sa mga parusang maaring kaharapin ng mga pampublikong opisyal na nakagawa ng kapabayaan o pagkukusa sa pagsira o hindi tamang pagtatala ng mga mahahalagang pampublikong dokumento, datos o impormasyon ayon sa RA 9470.