Isinagawa ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ng Zambales katuwang ang Provincial Inter-Agency Monitoring Team (PIMT) ang functionality assessment ng Local Committees on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Children (LCAT-VAWC) ng labing tatlong bayan (13) ng Zambales noong ika- 22 Agosto 2022 sa DILG Provincial Office.
Alinsunod sa DILG Memorandum Sirkular Bilang 2020-006, ang PIMT ay binubuo ng mga miyembro mula sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) na sina Ms. Carmela Pacis at Ms. Anne Ecle, Provincial Health Office (PHO) Ms. Maria Victoria Figuerres at Ms. Rosalinda Pimentel, PMaj Noemi Diaz at PCMS Emily Morete ng Philippine National Police (PNP), Associate Provincial Prosecutor Joe Mari Nacin ng Office of the Provincial Prosecutor (OPP) at Ptr. Myrna Torres bilang CSO respresentative mula sa IHELP Group, kabilang ang mga kawani mula sa Kagawaran ng Interyor at Pamahalang Lokal ng Zambales, Panlalawigang Patnugot, Dir. Martin Porres B. Moral, CESO V, Acting Program Manager LGOO II Rose Ann Agostosa, LGOO V Stephany Panaligan at LGOO II Aljon Bautista.
Naging sentro ng talakayan ang diskusyon sa proseso at ???????????????????????????????????????? sa pagsasagawa ng ????????????????????, na kung saan may apat na ???????????????? ???????? ????????????????????????????????????????: Organization (10%), Meetings (10%), Plans,Policies and Budget (30%) at Accomplishments (50%). Bilang resulta sa natapos na pag-aanalisa sa isinumiteng means of verifications (MOVs) at pagtalakay sa mga ???????????????????????????????? nito, 6 LGUs ang may 'Ideal' level of functionality, 3 LGUs sa 'Mature' level at 3 LGUs naman sa 'Progressive' level samantalang may isang bayan naman na nakakuha ng 'Basic' level of functionality.
Ang aktibidad ay naglalayong magsagawa ng pagtatasa sa ???????????????????????????????????????????? at kapasidad ng LCAT-VAWC sa pagbabalangkas ng mga patakaran at programa upang maprotektahan ang kababaihan at mga bata na biktima ng trafficking at karahasan, gayundin sa pagbalangkas ng mga lokal na ordinansa, resolusyon at pulisiya na magsisilbing gabay sa mga lokal na pamahalaan upang matukoy at maibigay ang mga nararapat na tulong at suporta sa kanilang mga nasasakupan.