Pulilan, Bulacan – Pinangunahan ng DILG Bulacan ang pagpapalakas ng kakayahan ng siyam (9) na barangay na magpapatupad ng Retooled Community Support Program (RCSP) sa lalawigan ngayong ika-10 ng Agosto, 2022. Matapos ang oryentasyon ng Executive Order No. 70 o ang "Institutionalizing the Whole-of-Nation Approach in Attaining Inclusive and Sustainable Peace, Creating a National Task Force to End Local Communist (NTF-ELCAC)," at iba pang programang pangkapayaan ng ahensya sa anim na lokal na pamahalaan, tinipon ng DILG Bulacan ang mga barangay, RCSP Core Teams ng lungsod at bayan, PNP, at Phil Army upang muling talakayin ang mga proseso, aktibidad, at dokumento na kailangang gawin ng mga barangay ayon sa alituntunin ng programa.
Naging sentro ng talakayan ang mga hakbangin sa paggawa ng Barangay Development Plan (BDP). ipinaliwanag ang sampung (10) hakbangin kung paano simulan ang BDP ng mga barangay sa pamamagitan ng iba't ibang planning tools upang makita ang kasalukuyang sitwasyon ng barangay sa pagpaplano ng mga programa o proyekto na kakailanganin nila.
Sa unang pagkakataon na makaharap ang mga RCSP target barangays at LGU RCSP Core Teams, hinamon ng bagong Panlalawigang Patnugot ng DILG Bulacan na si Myrvi Apostol-Fabia ang mga dumalo na mas lalong palakasin ang programang pangkapayapaan at kaunlaran sa mga komunidad sa pamamagitan ng RCSP. Kanyang hiningi ang kooperasyon at pakiisa ng mga sangay ng pamahalaan at mamamayan upang tuluyang wakasan ang insurhensiya na nananatiling banta sa kaligtasan at pag-unlad ng ating pamayanan.