×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 23522

Pinangunahan ng DILG Pampanga, katuwang ang Provincial Planning and Development Office at si Special Assistant to the Governor Angelina S. Blanco, ang pagbalangkas sa Executive-Legislative Agenda (ELA) at Capacity Development (CapDev) Agenda ng Panlalawigang Pamahalaan ng Pampanga sa isinagawang ELA-CapDev Formulation for 2023-2025 mula Agosto 18-19, 2022.

 Ang mga naturang dokumento ay naglalaman ng mga komprehensibo at prayoridad na programa at proyekto ng panlalawigang pamahalaan na siyang magiging gabay sa kanilang pamumuno sa susunod na tatlong taon.

Sa pagsisimula ng aktibidad, ipinaalala ni PD Myra M. Soriano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ganitong aktibidad kung saan ihinahanay ang mga programa at proyekto ng lalawigan na naaayon sa pangangailangan ng mga mamamayan at prayoridad ng kasalukuyang administrasyon.

Kaugnay nito, nagsagawa ng mga diskusyon at workshop na kailangan para sa pagbuo ng ELA-CDA. Ipinresenta rin ng iba-ibang tanggapan mula sa panlalawigang pamahalaan ang estado ng kanilang 2019-2022 ELA-CAPDEV at ang 12-point agenda ni Punong Lalawigan Dennis G. Pineda.

Ang naturang pagpa-plano ay dinaluhan ng mga kasapi ng ELA Technical Working Group mula sa Ehekutibo at Lehislatibong sangay ng panlalawigang pamahalaan gayundin ang kinatawan ng iba pang ahensiya ng pamahalaan.