×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 23522

Alinsunod sa mandato ng Korte Suprema na maibalik sa dating kaayusan at kalinisan ang Manila Bay, inilunsad ng DILG Bataan ang programang Barangay Environmental Compliance Audit (BECA) sa isang panlalawigang oryentasyon noong ika-11 ng Agosto, 2022 gamit ang Zoom platform.

 Ang oryentasyon ay dinaluhan ng mga Pinunong Tagapagpakilos ng Pamahalaang Lokal, mga punong barangay, mga kalihim ng barangay at mga kagawad na pangulo sa komite ng kapaligiran.

Ang lahat ng barangay ng lalawigan ay sasailaim sa nasabing audit upang alamin ang estado ng kanilang pagtalima sa RA No. 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Program.
Ilan sa mga pamantayan ng BECA ay ang pagkakaroon ng Barangay Solid Waste Management Committee, Materials Recovery Functionality at mahigpit na pagpapatupad ng tatlong patakaran: No Littering Policies, Illegal Dumping at Open Burning na nakapaloob sa apat na quarter (3rd quarter ng 2021 hanggang 2nd quarter ng 2022).

Dinaluhan din ang oryentasyon nina PD Belina T. Herman at Cluster Head Melissa Nipal. Tumayong tagapagdaloy ng programa si Program Manager Allan Don Malonzo at ang tagapagsalita ay si ADAS II Russel Jasper Rabacio, Manila Bay Focal Person.

Matatandaan na noong 2021 BECA ay dalawang barangay sa lalawigan ang kinilala sa panrehiyong patimpalak ng programa. Ang Brgy. Lote Pto. Rivas (Lungsod ng Balanga) at Brgy. San Antonio (Bagac) ay kapwa nagsipagwagi bilang isa sa mga "BECA best performing barangays" ng Gitnang Luzon.