Sinuri at dinokumento ang proyektong magbibigay ginhawa sa agro-farmers ng bayan sa San Juan, San Luis, Pampanga. Ito ay pinangunahan ng LFP Team na binubuo nina ENGR II Diana Jean Limbitco, ENGR II Mark Luigi Regala at PEO I Earl Norwin Layug kaantabay si LGOO VI Miriam Galang-Perilla, at mga taga-pagpakilos sa bayan ng San Juan at pamahalaang lokal ng San Luis.
Malaking tulong ang nasabing proyekto sa pagpapalago ng kabuhayan ng mga tagaSan Jaun tulad ng pag-aalaga ng mga itik at pagsasaka. Dahil dito, mas mapapabilis at mapapadali na ang transportasyon ng kanilang mga produkto at pangangailangan sa kabuhayan. Ito rin ay makakatulong sa pagresolba ng problemang pagbaha na siyang dinadaing ng mga motorista sa naturang lugar.
Ang proyekto ay may habang 783 metro, lapad na 5 metro, at kapal na 20 sentimetro na magdudugtong sa Barangay San Juan at Baliuag - Candaba Sta. Ana Road. Ito ay naponduhan sa ilalim ng programang FY 2021 LGSF - Disaster Rehabilitation and Reconstruction Assistance Program (DRRAP 2021).