Sa pamumuno ng bagong halal na Alkalde, Kagalang-galang Elmer R. Soria, Pangalawang Alkalde Kagalang-galang Cristopher R. Gongora, mga miyembro ng Sanggunian Bayan, mga pinuno ng iba't-ibang Departamento at opisina, sinimulan ang paggawa ng Executive at Legislative Agenda at pagtutugma ng Capacity Development Agenda mula Agosto 9-12, 2022 sa Pines View Hotel, Baguio City.
Layon ng nabanggit na aktibidades na mailatag ang mga pangunahing programa ng ehekutibo at ang lehislatibo sa pamamagitang ng iba't-ibang gawain.
Dinaluhan ng Pinunong Pangprobinsiya ng DILG sa katauhan ni Dir. Martin Porres B. Moral ang nabanggit na gawain. Sa kanyang pananalita, binigyang diin nito ang mga kasalukuyang usapin na kinakaharap ng ating bansa na posibleng nakakaapekto din sa lokal na pamahalaan.
Pagkatapos nito, inilatag ng Alkalde Kagalang-galang Elmer R. Soria ang kanyang priority thrust na sinundan naman ni Bise-alkalde Kagalang-galang Cristopher R. Gongora.
Ang DILG Zambales ELA Team sa katauhan nina LGOO VI Kristine Joy Pesimo, LGOO VI Cindy Cagalitan, LGOO VI Maharlina Tejada at LGOO VI Jonnel Edillor ang magbibigay gabay sa nalalabing araw ng gawain.