TSLogo

 

 

facebook page

 

PAGPAPALAKAS SA MGA LOKAL NA OPISYAL SA BULACAN, ISINAGAWA SA NEO PLUS PROGRAM

Sa pangunguna ng DILG Central Luzon, kasama ang DILG Bulacan, matagumpay na isinagawa ang Newly Elected Officials Performing Leadership for Uplifting Service (NEO PLUS) Program – Batch 2 noong Agosto 6–8, 2025 sa SMX Convention Center, Clark, Pampanga.

Layunin ng programa na higit pang sanayin at paigtingin ang kakayahan ng mga muling halal na lokal na opisyal upang maging mas mahusay na lider at tapat na lingkod-bayan. Sa loob ng tatlong araw, isinagawa ang iba’t ibang plenary sessions at workshops na tumalakay sa mahahalagang paksa gaya ng contextualized leadership, good governance, disaster resilience, economic development, policy creations, at partnership building.

Kabuuang 164 na lokal na opisyal mula sa Bulacan ang dumalo at aktibong nakibahagi sa mga talakayan at gawain. Ang mga ito ay iniayon upang makatulong sa pagbuo ng malinaw at kongkretong plano para sa mas mabuting pamamahala at sa pagpapataas ng antas ng pamumuhay ng mga mamamayan sa kanilang nasasakupan.

Pinangunahan ng mga eksperto mula sa iba’t ibang larangan ang bawat talakayan, na nagbigay ng praktikal na kaalaman at tiyak na halimbawa na maaaring magamit ng mga opisyal sa kanilang tungkulin sa lokal na pamahalaan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE
Untitled-2.png

DOST-PAGASA Weather Update

 


Featured Video