TSLogo

 

 

facebook page

 

HAKBANG TUNGO SA MAKABULUHANG PARTISIPASYON: ORYENTASYON PARA SA CSO ACCREDITATION, ISINAGAWA NA

Ngayong araw, sa pangunguna ng DILG Bulacan, isinagawa ang oryentasyon kaugnay ng nalalapit na CSO Accreditation at pagpili ng mga kinatawan sa mga Local Special Bodies (LSBs) para sa lahat ng lokal na pamahalaan sa lalawigan.

Sa nasabing aktibidad, ipinaliwanag ng DILG ang mga proseso at dokumentaryong kinakailangan sa akreditasyon ng mga Civil Society Organizations (CSOs), gayundin ang mekanismo ng pagpili ng mga kinatawan sa LSBs gaya ng Local Developmen Council, Local Health Board, Local School Board, at iba pa.

Dinaluhan ito ng mga Tagapagpakilos ng Pamahalaang Lokal at mga CSO Desk Officers mula sa bawat bayan at lungsod ng Bulacan. Layunin ng aktibidad na matiyak ang ang nararapat na pagpili ng mga CSO representatives at ang makabuluhan at inklusibong partisipasyon ng mamamayan sa lokal na pamahalaan, sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang kaalaman at gabay sa proseso ng akreditasyon.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE
Untitled-2.png

DOST-PAGASA Weather Update

 


Featured Video