Mga Bagong Streetlights, Dala ay Saya at Liwanag sa Bulakan, Bulacan
Agosto 4, 2025 | Pinangunahan ngayong araw ni Mayor Vergel Meneses, kasama sina DILG Bulacan PD Myrvi Apostol-Fabia, Punong Barangay Jose Narciso Roque, at ng iba pang mga Pinuno ng mga Tanggapan ang pagpapasinaya ng tatlumpu’t limang (35) solar street lights bilang insentibong natanggap ng bayan para sa kanilang pagpasa sa Seal of Good Local Governance taong 2024 na nagkakahalaga ng Php 1,153,000.00.
Ayon kay Mayor Vergel Meneses ay titiyakin niya na madadagdagan pa ang mga poste ng ilaw sa lugar upang mas masiguro ang ligtas na daraanan ng mga naninirahan sa Brgy. Bambang at Perez, at higit sa lahat ay magamit ang kalye para sa mas mabilis at maayos na paglalakabay ng mga mga residente, at epektibong paghatid ng serbisyong publiko.