- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 3823

Binigyan ng pagkilala sa isinagawang DILG Konek: Provincial Team Conference, ang mga Pambayan at Panlungsod na Tagapagpakilos ng Pamahalaang Lokal na nagpamalas ng kanilang husay sa pagtalima ng mga ulat at dedikasyon sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin sa para sa ikalawang sangkapat ng taon:
Read more: Pagkilala sa Kahusayan ng mga natatanging C/MLGOOs sa ikalawang sangkapat ng taon!
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 3736

Ika-31 ng Hulyo 2024, isinagawa ng DILG Bulacan LFP Team ang masusing inspeksyon sa proyektong "Construction of MRF" sa barangay Lawang Bato Cacarong Matanda sa bayan ng Pandi. Ito ay pinondohan sa ilalim ng F.Y. 2023 Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF) na nagkakahalaga ng 1.8 milyong piso.
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 3436

HULYO 30, 2024 | Isinagawa ng Panlalawigang Tanggapan ang ika-pitong DILG Konek: Provincial Team Conference sa Bayan ng San Miguel, Bulacan. Bilang pakiisa ng Tanggapan sa National Disaster Resiliency Month ay tinalakay ang kasalukuyang sitwasyon ng mga pamahalaang lokal kaugnay ng nagdaang bagyo Carina at ang mga hakbangin na kinakailangang gawin ng mga kawani upang mas mapaghandaan ang pagdating ng anumang sakuna o kalamidad.
Read more: Mas Maigting na Paghahanda sa mga sakuna, Sentro ng Talakayan ng ika-pitong DILG Konek
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 3543

Nakipagpulong si PD Myrvi Apostol-Fabia sa Liga ng mga Barangay Meycauayan Chapter sa pangunguna ni PB Carlito O. Magno ngayong araw upang talakayin ang mga programa ng Departamento tulad ng Seal of Good Local Governance for Barangay (SGLGB), Barangay Road Clearing Operations (BaRCO), , BDRRMC, Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program, Barangay Drug Clearing Program (BDCP) at iba pang mga programa para sa mga barangay.
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 3438

DILG Bulacan participated in the Magna Carta of the Poor - Local Poverty Reduction Action Plan Orientation Seminar held today, July 29, 2024, in Mariano Ponce Hall, Hiyas ng Bulacan Convention Center, City of Malolos, Bulacan.
The said activity aims to discuss the salient features of Republic Act No. 11291, also known as the Magna Carta of the Poor, the formulation process and procedures of Local Poverty Reduction Action Plan (LPRAP), and present the provincial poverty situation, respectively.
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 3569

Ngayong araw, ika-27 ng Hulyo, 2024, ay pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang Situational Briefing kaugnay sa pinsalang dulot ng Bagyong Carina at Hanging Habagat sa mga lalawigan ng Bulacan, Bataan at Pampanga na ginanap sa Bulwagan ng Sangguniang Panlalawigan, Lungsod ng Malolos, Bulacan.
Sentro ng talakayan ang mga hakbangin ng pamahalaan upang matugunan ang kagyat na pangangailangan ng mga naapektuhan sa Gitnang Luzon. Ilan sa mga ito ay ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa larangan ng agrikultura at sa ating mga kababayang labis na naapektuhan ng pagbaha. Direktiba rin ng pangulo ang agarang aksyon upang mabawasan ang epekto ng oil spill sa Bataan sa katubigan ng Bulacan at Pampanga.
Buong pwersa ang mga lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Bulacan, sa pangunguna ni Gob. Daniel Fernando, Gob. Dennis Pineda ng Pampanga, at Gob. Joet Garcia ng Bataan, at mga pinuno ng tanggapan ng Pamahalaang Nasyunal para sa mabilis na pagbangon ng mga mamamayang naapektuhan ng bagyo.