TSLogo

 

 

facebook page

 

Ugnayang DILG at Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, mas Pinagtibay

Lungsod ng Malolos, Bulacan — Sa isinagawang courtesy call nitong, ika-31 ng Hulyo 2025, pormal na bumisita si DILG Region III Regional Director Araceli A. San Jose, CESO III kay Bulacan Governor Daniel R. Fernando upang pagtibayin ang ugnayan at kooperasyon ng Kagawaran sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan.

Sumentro ang talakayan sa pagpapatibay ng koordinasyon at pagtutulungan ng dalawa ukol sa mga pangunahing adbokasiya ng pamahalaan tulad ng kapayapaan at kaayusan, kampanya laban sa ilegal na droga, kahandaan sa sakuna, at mga programang pangkalikasan. Ipinahayag ni RD San Jose ang kanyang kahandaan na isulong ang mga ito sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang bagong patnugot ng DILG Region III.

Ipinarating din ng DILG ang taos-pusong pasasalamat nito sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa patuloy na suporta sa mga programa at proyekto ng ahensya, kabilang na ang mga inisyatibang naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga lokal na pamahalaan.

Kaugnay nito, muling tiniyak ni Gob. Fernando ang buong suporta ng kanyang administrasyon sa mga layunin at proyekto ng DILG, at binigyang-diin ang kahalagahan ng isang matatag na ugnayan sa pagitan ng DILG at mga lokal na pamahalaan upang makamit ang tunay na pagbabago at kaunlaran sa lalawigan.

Sa pagtatapos ng pag-uusap, kapwa naghayag sina RD San Jose at Gob. Fernando ng pag-asa at kumpiyansa sa mas matibay, mas masigasig, at mas makabuluhang kooperasyon sa pagitan ng DILG at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa mga darating na taon.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE
Untitled-2.png

 


Featured Video