Vice Mayor Ferdinand Estrella, Bagong Pangulo ng VMLP-Bulacan
Lungsod ng Malolos | Matagumpay na isinagawa ngayong araw, ika-1 ng Agosto 2025, ang halalan para sa bagong hanay ng mga opisyales ng Vice Mayors’ League of the Philippines (VMLP) – Bulacan Chapter para sa termino simula ngayong 2025 hanggang 2028.
Alab ng Pagkilos, Igting ng Pagkakaisa: Mainit na Pagtangap ng DILG Bulacan kay Regional Director Araceli A. San Jose
Sa pagtatapos ng buwan ng Hulyo, matagumpay na isinagawa ng DILG Bulacan ang Ika-7 DILG Konek: The Provincial Team Conference sa Balagtas Hall, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Lungsod ng Malolos. Layunin ng pagtitipong ito ang mas malalim na pagsusuri sa mga naging kaganapan sa nakaraang sangkapat, pagbabahagi ng mga pananaw at karanasan, at higit sa lahat, ang pagpapatibay ng koordinasyon at kolektibong pagkilos tungo sa mas epektibong paglilingkod.
Itinampok rin sa nasabing aktibidad ang mainit at buong-pusong pagtanggap ng DILG Bulacan kay Director Araceli A. San Jose, bilang bagong Regional Director ng DILG Region III. Sa kanyang kauna-unahang pakikipag-ugnayan sa lalawigan, pinangunahan ni RD San Jose ang interfacing session kasama ang mga C/MLGOOs at iba pang kawani ng DILG Bulacan. Dito, kanilang inilahad ang kasalukuyang kalagayan ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan, kabilang ang mga hamon, inobasyon, at mga kwento ng tagumpay sa kanilang mga nasasakupan.
Sa kanyang mensahe, pinuri ni RD San Jose ang hindi matatawarang dedikasyon ng DILG Bulacan. Aniya, "Kayo ang tunay na larawan ng isang lingkod-bayan—matino, mahusay, maaasahan, at may malasakit sa kapwa." Ang pagtitipon ay naging makabuluhang hakbang sa pagpapatuloy ng may malasakit at epektibong serbisyo publiko sa lalawigan.
Ugnayang DILG at Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, mas Pinagtibay
Lungsod ng Malolos, Bulacan — Sa isinagawang courtesy call nitong, ika-31 ng Hulyo 2025, pormal na bumisita si DILG Region III Regional Director Araceli A. San Jose, CESO III kay Bulacan Governor Daniel R. Fernando upang pagtibayin ang ugnayan at kooperasyon ng Kagawaran sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan.
Pagkilala para sa mga Natatangin C/MLGOOs para sa Ikalawang Sangkapat ng Taon!
Isang malugod na pagbati para sa mga natatanging C/MLGOOs na nagpamalas ng husay at dedikasyon sa implementasyon ng mga programa at pagtalima sa mga ulat ng Kagawaran para sa buwan ng Abril hanggang Hunyo, 2025:
LOOK| Driven by a shared goal and responsibility to further strengthen inter-agency coordination and collaboration in campaign against illegal drugs, earlier today, Bulacan Provincial Officer of Philippine Drug Enforcement Agency, IA V Liwanag B Sandaan, pays a courtesy call to DILG Bulacan Provincial Director Myrvi Apostol Fabia, CESO V.