DOST PAGASA WEATHER

DILG Feeds

Like us on Facebook
 

TSLogo

 

BATAAN LOCAL OFFICIALS MASTERLIST 
 Local Chief Executives (2019-2021)
 Sanggunian Members (2019-2021)
 Barangay Officials (2018-2020)


 

 

 

Sinuri ng LTIA National Validation Team ang Brgy. Alangan sa pamamagitan ng isang online assessment kahapon (Setyembre 29, 2021) bilang kalahok sa 1st to 3rd Class Municipalities Category sa idinadaos na 2021 Lupong Tagapamayapa Incentives Awards (LTIA).

Matatandaan na noong nakaraang Mayo ngayong taon ay nagwagi ang Brgy. Alangan sa LTIA regional level sa unang pagkakataon para maging kinatawan ng Gitnang Luzon sa nasabing kategorya.

Ipinakita nina Punong Barangay Teresita Dela Rea at mga miyembro ng lupon ng Alangan ang kanilang mahusay na pagganap at pagtupad sa Katarungang Pambarangay sa mga sa mga taon ng 2019 at 2020 sa LTIA National Validation Team na kinabibilangan nina Dir. Vivian Suansing (Director, DILG-BLGS), Atty. Irene P. De Torres-Alogoc (Executive Director, DOJ-OADR), Dir. Myrna De Persia-Medina (Acting Deputy Executive Officer, NAPOLCOM) at iba pang mga kasamahan sa mga nabanggit na ahensya.

Ang LTIA national validation ay dinaluhan nina OIC-Punong Tagapagpatupad Jay Timbreza ng DILG R3 at Lerrie Hernandez, Hepe ng LGMED.

Ang Brgy. Alangan ay sinuportahan din ng DILG Bataan sa nasabing assessment sa pamamagitan nina PD Myra Moral-Soriano, Cluster Head Melissa Nipal, MLGOO Evelyn Matias, PM Allan Don Malonzo at LTIA PFP Joanna Marie Cruz.

Nagpaabot rin ng komendasyon si Congressman Joet Garcia, Kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Bataan sa masigasig na paglilingkod ng mga lupon ng Alangan sa mga mamamayan nito at sa pagsisiguro na mapayapa at ligtas ang kanilang komunidad.

Congratulations at pagbati mula sa DILG Bataan, Brgy. Alangan!

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

PD Yen3