DOST PAGASA WEATHER

DILG Feeds

Like us on Facebook
 

TSLogo

 

BATAAN LOCAL OFFICIALS MASTERLIST 
 Local Chief Executives (2019-2021)
 Sanggunian Members (2019-2021)
 Barangay Officials (2018-2020)


 

 

 

Upang mas mapalawig pa ang kahusayan sa serbisyong lokal, labindalawang (12) piling mga barangay sa Bataan ang dumalo sa "Orientation on the Conduct of 2021 Pilot Testing of the Seal of Good Local Governance for Barangay (SGLGB)" na inorganisa ng DILG Bataan noong Setyembre 15, 2021 gamit ang Zoom. Isinabay na rin sa nasabing pagpupulong ang oryentasyon ng Barangay Development Council (BDC) Functionality Assessment.

Para sa taong ito, isang barangay kada lungsod/bayan lamang ang pipiliin upang maging "pilot" na siyang uunahing sasailalim sa SGLGB assessment dahil sa pandemya. Bukod pa rito, ang pagkakataong ito ay gagamitin na rin upang makakuha ng mas malalim pang impormasyon tungo sa mas mahusay na implementasyon ng programa.

Ang 12 piling pilot barangays ay ang mga sumusunod: Laon (Abucay), Parang (Bagac), Balanga City (Pto. Rivas Lote), Colo (Dinalupihan), Palihan (Hermosa), Alangan (Limay), San Carlos (Mariveles), Nagbalayong (Morong), Talimundoc (Orani), Camachile (Orion), Panilao (Pilar) at East Daan Bago (Samal).

Samantala, BDC Functionality Assessment ay magkakaroon din ng paunang palugit sa pagsusumite ng pilot barangays ng kanilang mga katunayan ng pagtalima o means of verification (MOV), upang bigyang daan ang pagsunod sa nakatakdang palugit ng SGLGB.

Ang SGLGB, ay isang mekanismo ng DILG upang hikayatin ang mga barangay na paghusayin pang lalo ang pagtupad sa kanilang tungkulin na nakaangkla sa mga prinsipyo ng "good governance." Sa kabilang banda, ang BDC naman na siyang tinuturing na ina ng lahat ng barangay-based institution (BBI), ay ang siyang tumutulong sa sangguniang barangay na mapalawig ang mga pankaunlarang layunin ng barangay, sa kanyang nasasakupan.
Sa kabuuan, ang mga programang ito ay mga hamon na mas palakasin pa ang kakayahan sa pamumuno ng ating mga barangay.

Sa pagsasasalarawan ni PD Myra Moral-Soriano sa kanyang mensahe, ito ay isang 'sweet achievement' para sa ating mga barangay na sila ay maging 'compliant' sa mga assessment na ginagawa ng tanggapan. Patunay lang ito na ang bawat isa sa ating mga opisyal ng barangay ay ginagampanan ang tunay na esensya ng serbisyo publiko.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

PD Yen3