Matagumpay na isinagawa ang 2024 Retooled Community Support Program (RCSP) Serbisyo Caravan sa Barangay San Juan, Maria Aurora, Aurora noong Agosto 27, 2024, kung saan mahigit 200 katao mula sa mga Barangay ng San Juan, Decoliat, at Galintuja ang nakatanggap ng iba't ibang serbisyo mula sa mga lokal at nasyonal na ahensya ng pamahalaan.
Ang Serbisyo Caravan ay naglalayong tugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan sa mga natukoy na barangay. Ito ay bahagi rin ng 'immersion phase' ng RCSP na pinangungunahan ng Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan, katuwang ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.
Kabilang sa mga ahensyang naghatid ng serbisyo ay ang Philippine Statistics Authority, Department of Agrarian Reform, Technical Education and Skills Development Authority, Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Provincial Health Office, at mga tanggapan ng Municipal Environment and Natural Resources Office, Municipal Civil Registrar, Municipal Public Employment Service Office, Municipal Assessor’s Office, Municipal Social Welfare and Development Office at Municipal Planning and Development Office ng lokal na pamahalaan ng Maria Aurora.
Ang mga sumusunod ay ang mga naihatid na serbisyo sa nasabing Caravan:
• Libreng kunsultasyon at pagbibigay ng gamot
• Pagbibigay ng tulong sa pagkuha ng mga legal na dokumento partikular ang sertipiko ng kapanganakan
• Pagpaparehistro para sa National ID
• Tulong hanapbuhay mula sa TUPAD Program
•Pagbibigay impormasyon sa mga libreng pagsasanay mula sa TESDA
• Konsultasyon para sa pagpapa-aassess ng lupa at pagbabayad ng buwis
• Libreng gupit at tuli
• Pamamahagi ng family food packs
• Pagbibigay ng libreng tsinelas
• Pakain sa barangay
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga residente, sa pangunguna ng kanilang mga Punong Barangay na sina Kgg. Victor C. Ramos, Sr. (San Juan), Kgg. Juanito L. Lip-atan (Galintuja), at Kgg. Oliver B. Ikug (Decoliat), at tiniyak ang kanilang suporta sa mga layunin ng pamahalaan para sa kaayusan at kapayapaan.
READ MORE ABOUT: Peaceful, Orderly, Safe, and Secure Communities