Sa layuning makapagbigay ng de-kalidad ngunit abot-kayang mga lokal na produkto, inorganisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora sa pamamagitan ng Kagawaran ng Agrikultura, ang Kadiwa ng Pangulo sa Provincial Capitol Grounds ngayong ika-22 ng Agosto, 2024.
Ang programang Kadiwa ng Pangulo ay naglalayong suportahan ang mga lokal na magsasaka, mangingisda, at microenterprises sa merkado sa probinsya ng Aurora.
Higit pa dito, ito din ay nagbibigay daan upang maipakita at maipakilala ang mga lokal na produkto ng probinsya. Iba’t ibang mga MSMEs mula sa mga bayan ng Aurora ang nakilahok sa gawaing ito.
Kaya naman ang Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalan, katuwang ang mga Pamahalaang Lokal, ay patuloy na sumusuporta sa aktibidad na ito alinsunod sa layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos na tiyakin ang seguridad sa pagkain.
READ MORE About Enabling Inclusive Communities