Isinagawa ang Provincial Table Validation para sa Seal of Good Local Governance for Barangays (SGLGB) noong Miyerkules, ika-28 ng Agosto, 2024 sa Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa Baler, Aurora.
Ito ay pinangunahan ni Officer-in-Charge/CTL Ariel G. Espinosa bilang lider ng assessment team, kasama ang mga miyembro ng Provincial Performance Assessment Team (PPAT) na sina PEO IV Jennifer T. Virrey at PO I Kelvin Villafranca mula sa Provincial Planning and Development Office, Hon. Freddie Valdez ng Liga ng Barangay Provincial Chapter, G. Jerryco D. Custodio, kinatawan ng Panlalawigang Pederasyon ng Sanggunian Kabataan, at CSO Partner na si Pastor Noel C. Bornales mula sa Adventist Community Services.
Ang nasabing aktibidad ay ginanap upang talakayin at suriin ang mga datos na nakalap mula sa mga barangay sa buong lalawigan. Gayundin ay sinuri ang mga dokumento ng labing-apat (14) na barangay ng Aurora na mga “potential passers” ng 2024 SGLGB at ang kanilang pagtalima sa tatlong Core Governance Areas na kinabibilangan ng Financial Administration and Sustainability, Disaster Preparedness, at Safety Peace and Order; at tatlong Essential Governance Areas na kinabibilangan naman ng Social Protection and Sensitivity, Business Friendliness and Competitiveness, at Environmental Management. Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga miyembro ng PPAT na magbigay ng rekomendasyon at mga mungkahi upang mapabuti pa ang mga kakulangan ng bawat barangay.
Ang SGLGB ay isa sa mga pangunahing programa ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal na naglalayong kilalanin at parangalan ang mga barangay na nagpakita at nagpamalas ng natatanging paggampan sa iba't ibang larangan ng lokal na pamamahala.
LEARN MORE: Excellence In Local Governance Upheld