TSLogo

 

NuevaEcija

LGSF Utilization Status

 

ptc jan2025

Pinasinayaan ng Lokal na Yunit ng Pamahalaan ng San Antonio, Lalawigan ng Nueva Ecija, ang bagong Covered Court sa Barangay Cama Juan ngayong araw, Pebrero 24, 2025. Ang proyekto ay naisakatuparan dahil sa pinagsamang Php 1,800,000.00 na insentibong nakamit ng munisipalidad mula sa pagpasa sa Seal of Good Local Governance sa taong 2023 at Php 1,200,000.00 na counterpart ng LGU San Antonio.

Ang inagurasyon ay pinangunahan nina Punong Bayan Arvin C. Salonga at Pangalawang Punong Bayan Julieta E. Maxwell. Ito rin ay dinaluhan ng Panrehiyong Patnugot, Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ng Gitnang Luzon, Atty. Anthony C. Nuyda, CESO III, at ng Panlalawigang Patnugot ng DILG Nueva Ecija, Atty. Ofelio A. Tactac, Jr., CESO V.

Ang bagong covered court ay maaaring pagdausan ng iba’t ibang aktibidad ng Lokal na Pamahalaan tulad ng pagpupulong, medical mission, sports activities, at iba pa. Ito rin ay inaasahan na magsilbing evacuation center ng mga pamilyang nangangailangan ng paglikas sa panahon ng sakuna.




#SGLGIF
#Uhay
#TresTheBest

Log-in Form

Follow Us On