Muling ipinakita ng iba’t ibang kooperatiba, mga magsasaka at mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) ang kanilang mga produkto sa ginanap na Kadiwa ng Pangulo (KNP) ngayong araw, ika-24 ng Pebrero taong 2025, sa Bagong Kapitolyo ng Lalawigan ng Nueva Ecija, Barangay Singalat, Lungsod ng Palayan. Iba’t ibang mga produkto tulad ng mga gulay, itlog, at mga naprosesong pagkain tulad ng longganisa, tapa, at embotido ang ipinagbili sa nasabing aktibidad. Mayroon ring mga produktong gawang kamay tulad ng mga alpombra, bayong, at mga iba’t ibang anik-anik, pati na rin ang mga inumin at pagkain na gawa sa gatas ng kalabaw at marami pang iba.
Ang lahat ng mga ito ay maaaring mabili ng mga mamimili sa murang halaga kaya nama’t ito ay kinagigiliwang daluhan ng nakararami. Ang KNP ay isang programa ng pamahalaan na naglalayong bigyan ng pagkakataon ang mga magsasaka at MSMEs na maipagbili ang kanilang mga kalidad na produkto at ani direkta sa mga mamimili.
#KadiwaNgPangulo
#TresTheBest
#Uhay