AGOSTO 9, 2024 | Kasabay ng pinagsamang pulong ng PPOC- PADAC AT PTF-ELCAC ay kinilala ang husay at galing ng mga Lupong Tagapamayapa sa lalawigan.

Kinilala ang Brgy. Catanghalan, Bayan ng Obando sa pangunguna ni Punong Barangay Ruben Serrano bilang Top Performer sa ilalim ng 1st-3rd Class Municipality Category at Brgy. Tungkong Mangga, Lungsod ng San Jose Del Monte sa pangunguna ni Punong Barangay Alexander Medina bilang Top Performer sa ilalim ng Component City Category. Ipinagkaloob nina Gob. Daniel Fernando, DILG Regional Director Anthony Nuyda ang plaka, at ang insentibong nagkakahalaga ng Php 50,000.

Taun-taon ay iginagawad ng Departamento ang Lupong Tagapamayapa Incentive Awards (LTIA) na naglalayong bigyan ng pagkilala ang mga lupon na nagpamalas ng husay at huwarang pagganap sa kanilang tungkulin sa proseso ng Katarungang Pambarangay.