Sinimulan na ng Provincial Award Committee (PAC) ng Zambales ang pagtatasa sa labing tatlong (13) Sangguniang Bayan para sa 2023 Local Legislative Award (LLA) noong Agosto 7, 2023.

Ang PAC—sa pangunguna ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG), Vice Mayors' League of the Philippines (VMLP) at Philippine Councilors' League (PCL), katuwang ang mga kinatawan ng Provincial Budget Office, Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Provincial Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO), Provincial Agriculture Office (PAO) at Civil Society Organization (CSO) ay nagsagawa ng onsite table assessment sa mga bayan ng Subic, Castillejos at San Marcelino mula Agosto 7-8, 2023.

Ito ay dinaluhan ng mga miyembro at empleyado ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ng mga Alkalde at Bise Alkalde.

Ang LLA ay isang parangal na naglalayon na i-assess at bigyang pagkilala ang mga natatanging Sangguniang Bayan sa kanilang mahusay at matinong pagtupad ng kanilang mga tungkulin sa nagdaang termino at pamumuno.

Inaaasahan na matatapos ang pagtatasa sa mga bayan ng Zambales hanggang Agosto 24, 2023.