Pinangunahan ni Dir. Jay E. Timbreza, OIC-Punong Tagapagpatupad ng DILG R3 ang pagbibigay sipi ng kautusan mula kay Kalihim Eduardo M. Año na naglalayong italaga si unang Konsehal Honorato Almario bilang pansamantalang Bise Alkalde ng Munisipyo ng San Simon, Pampanga sa bisa ng A.O no. 15 s. 2018 at DILG Memorandum Circular no. 2019-121. Ang mga kautusan na ito ay pinapahintulan ng Presidente ang Kalihim ng DILG upang magtalaga ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan tuwing mayroong pansamantalang pagkabakante sa posisyon ng Bise Gobernador/Bise Alkalde at Miyembro ng Sangguniang Panglalawigan/Panglungsod at Pangbayan.

Ang pagtatalagang ito ay epektibo hanggang matapos ang pansamantalang pagkabakante sa posisyon ng halal na Bise Alkalde na sa ngayon ay nakaupo bilang pansamantalang Alkalde.

 

 

  
Featured Videos