TSLogo

 

 

facebook page

 
 
Bilang bahagi ng inisyatibo ng DILG Bulacan na patuloy na palakasin ang kapasidad ng mga pamahalaang lokal, ngayong araw ay nakipagugnayan si Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia kasama si LGOO VII Judith Romero sa bayan ng Bustos sa pangunguna ni Igg. Francis Albert G. Juan, kasama ang mga hepe ng iba’t-ibang departamento kung saan tinalakay ang mga paghahandang kailangan kaugnay ng mga pagtatasa na nakatakdang gawin ngayong taon.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng isasagawang serye ng mga pagpupulong para patuloy na palakasin ang pakikipagugnayan ng departamento sa mga lokal na pamahalaan at upang sila ay maihanda para sa mga paparating na pagtatasa na magsisimula ngayong buwan ng Marso.


Bilang paghahanda para sa nalalapit na pagtatasa ng LTIA ngayong taon, matagumpay na umere ngayong ika-21 ng Pebrero ang ika-pitong episode ng Gabay Serye ng ALAGWA Bulacan, kung saan nagkaroon ng komprehensibong pagtalakay sa pangkalahatang proseso at talatakdaan ukol sa naturang paksa.

Ang Gabay Serye ay isinasagawa ng Panlalawigang Tanggapan sa ilalim ng GABAY, isa sa mga pasilidad ng ALAGWA, ang opisyal na Sub-LGRRC ng DILG Bulacan.


Anim (6) na barangays ang sumailalim sa oryentasyon sa ilalim ng proyektong Gabay sa Barangay. Ito ay nilahukan ng mga kinatawan ng mga sumusunod na barangay, kabilang ang:

(1) Brgy. Dulong Malabon, Pulilan;
(2) Brgy. Lambac, Pulilan;
(3) Brgy. Tibag, Pulilan;
(4) Brgy. Balayong, Malolos City;
(5) Brgy. Caniogan, Malolos City; at
(6) Brgy. San Vicente, Malolos City.

Sa pangunguna ng Department of Trade and Industry (DTI), at sa suporta ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kasama ang Department of Information and Communications Technology, Department of Science and Technology (DOST) at Pamahalaang Panlalawigang ng Bulacan ay inilunsad ang gabay sa barangay project, sa ilalim ng Multi-Stakeholders Advisory Committee (MSAC) ng lalawigan.

Nakapaloob sa programa ng Gabay sa Barangay ang dalawang komponent o sangkap nito — una, ay nilalayon nitong palakasin ang kapasidad ng mga opisyal ng barangay upang matulungan ang mga M/Small Medium Enterprise sa pagnenegosyo sa kanilang barangay o upang maging business coach o mentor, at ikalawa ay ang pakikiisa ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) upang tumulong sa aspeto ng pamumuhunan para sa mga magnanais na mamuhunan o magnegosyo sa barangay.

Ngayong taon inaasahan na aabot ng 20 barangays ang magbebenipisyo sa programang ito.

 


Featured Video