- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 1457
Sa pagtutulungan ng DILG Bulacan at ng Liga ng mga Barangay (LNB), sinimulan na ngayong linggo, mula ika-26 ng Pebrero hanggang ika-1 ng Marso ng kasalukuyang taon, sa lalawigan ng Bulacan ang pagdaraos ng Barangay Newly Elected Officials (BNEO) towards Grassroots Renewal and Empowerment for Accountable and Transparent (GREAT) Barangays Basic Orientation Course. Ang mga opisyal ng barangay sa mga bayan ng Plaridel, San Miguel, DRT, San Ildefonso, Paombong, at Santa Maria ay sumailalim sa tatlong araw na pagsasanay patungkol sa kanilang mga hahakbanging gampanin bilang mga lingkod bayan.
Ang BNEO GREAT Barangays Basic Orientation Course ay naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga bagong halal at itinalagang opisyal sa mga barangay tungo sa mas mabisa at angkop na serbisyo publiko. Ito din ay naglalayong gabayan ang ating mga kawani sa barangay patungo sa mabuting pamamahala. Ang BNEO GREAT ay gaganapin hanggang Marso 2024.