TSLogo

 

 

facebook page

 

Sa layuning paghusayin at palakasin ang pagganap sa kanilang tungkulin bilang lupong tagapamayapa sa barangay, ginanap nitong ika-5 ng Mayo 2025, sa pamamagitan ng Zoom conference platform, ang LTIA Provincial Exit Conference na dinaluhan ng mga Punong Barangay, Kalihim ng Barangay, mga miyembro ng Lupong Tagapamayapa, at DILG Field Officers mula sa iba’t-ibang lokal na pamahalaan sa lalawigan.

 

Sa kanyang pambungad na mensahe, binigyan diin ni PD Myrvi Apostol-Fabia ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga talakayan sa bawat pagtatapos ng mga performance assessment upang malaman ang mga interventions at mapalakas ang mga kahinaan at kakulangan ng mga Lupong Tagapamayapa sa probinsya.

Kinilala rin sa aktibidad ngayong araw ang tatlong (3) barangay na nagpamalas ng husay sa katatapos lamang na pagtatasa ng LTIA:

• Tungkong Manga, City of San Jose Del Monte – 1st Runner Up Regional Level para sa Component City category

• Balatong A, Pulilan – 2nd Runner Up Regional Level para sa First Class Municipality

• Catanghalan, Obando – Provincial Winner

Layunin ng pagtitipon na talakayin ang naging resulta ng 2025 Lupong Tagapamayapa Incentives Awards (LTIA) assessment kung saan ibinahagi sa pulong ang mga natukoy na “areas of improvement” ng mga barangay kaugnay sa pagpapatupad ng Katarungang Pambarangay (KP) law. Sa kabilang banda, kinilala rin ang mga natatanging gawain o "best practices" ng ilang barangay na nagpakita ng mahusay na pagpapatupad ng mga proseso, dokumentasyon, at inisyatibo na mas nagpahusay o nagpabilis ng pagpapatupad ng KP law—kabilang na ang maayos na record-keeping at inisyatibo sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga miyembro ng lupon.

Nagkaroon din ng talakayan para sa mga posibleng capacity development programs at interventions upang tugunan ang mga hamon na lumitaw sa assessment. Sa pagtatapos ng conference, hinimok ni DILG Bulacan Program Manager LGOO VI Gerald Cabarles Jr. ang mga kalahok na simulan na ang mas masusing paghahanda para sa susunod na LTIA cycle. Ang aktibidad ay nagsilbing paalala na ang pagpapatatag ng Katarungang Pambarangay ay isang sama-samang adhikain tungo sa mas mapayapa, maayos, at makatarungang pamayanan.

 


Featured Video