TSLogo

 

 

facebook page

 


Sa isang matagumpay na serbisyo caravan na isinagawa noong ika-27 ng Setyembre, 2024 sa Barangay San Isidro at iba pang barangay sa Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan, masayang nagtipon ang mga residente upang tumanggap ng mga tulong mula sa lokal na pamahalaan at sa mga ahensya ng gobyerno. Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng Retooled Community Support Program o RCSP na naglalayong labanan ang banta sa insurhensya sa pamamagitan ng pagtataas ng kamalayan ng nga residente ukol sa mga programa, serbisyo at proyekto ng pamahalaan. Ipinamahagi sa mga residente ang mga sumusunod na serbisyo:


• Pagbibigay ng mga wheelchair, nebulizer at hearing aid sa mga nangangailangan;
• Pamamahagi ng tsinelas at feeding program;
• Libreng butong pananim at halaman;
• Libreng gupit at masahe;
• Libreng gamot at vitamins;
• At murang gulay at prutas mula sa Kadiwa


Ang aktibidad ay nakapagbahagi ng serbisyo sa higit 700 na residente ng Brgy San Isidro at iba pang barangay sa Sa Jose Del Monte sa pamamagitan ng kolaborasyon ng Pamahalaang Lokal ng CSJDM, Kagawaran ng Interyor ang Pamahalaang Lokal (DILG) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

 


Featured Video