TSLogo

 

 

facebook page

 


Bilang bahagi ng kick-off celebration ng Local Government Code Anniversary, at sa pakikiisa ng DILG Bulacan sa pangunguna ni Provincial Director Myrvia Apostol-Fabia, CESO V, nagsagawa ang mga kawani ng tanggapan ng isang makabuluhang Tree Planting Activity ngayong ika-10 ng Oktubre 2024 sa Barangay Maasim, San Ildefonso, Bulacan. Ang aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng Local Government Month ngayong Oktubre.


Nilalayon ng programang ito na hikayatin ang bawat isa na gampanan ang kanilang tungkulin sa pangangalaga ng kalikasan, na magdudulot ng benepisyo hindi lamang sa kasalukuyan kundi pati na rin sa mga susunod na henerasyon.


Sa aktibidad na ito, matagumpay na naitanim ang 150 puno sa pakikipagtulungan ng mga miyembro ng komunidad at iba’t ibang sangay ng pamahalaan. Kabilang sa mga lumahok ay mga opisyal at kawani ng pamhalaang bayan ng San ildeponso sa pangunguna ni Mayor Fernando S. Galvez, Jr., mga miyembro ng Multi-Stakeholder Advisory Council (MSAC) na kinabbilangan ng PNP, BFP, DOST, DTI, DEPED, PDRRMO, PIA, PITO, DENR, BENRO, PENRO, MENRO, at mga opisyal ng Barangay sa pangunguna ni PB Maria Bella C. Rivera.


Ang Buwan ng Pamahalaang Lokal ay isang pagdiriwang na naglalayong gunitain ang pagpapatupad ng Local Government Code ng 1991 at kilalanin ang dedikasyon at pagsusumikap ng mga lingkod bayan na walang sawang naglilingkod sa bansa at sa mga mamamayan. Layunin din nitong bigyang-diin ang aktibong papel ng pamahalaan sa paghubog ng kinabukasan ng kanilang mga nasasakupan at itaguyod ang mas mataas na kalidad ng buhay para sa bawat Pilipino.

 


Featured Video