TSLogo

 

 

facebook page

 


HULYO 17, 2024 | Pinangunahan ni Gob. Daniel Fernando ang isinagawang panlalawigang re-oryentasyon at konsultasyon ukol sa implementasyon ng Barangay Drug Clearing Program (BDCP) sa mga 168 barangays na nananatiling apektado ng ilegal na droga, ngayong araw, ika-17 ng Hulyo, taong kasalukuyan.

Tinalakay sa nasabing aktibidad ang mga paksang may kaugnayan sa BDCP ng mga panauhing tagapagsalita G. Glenn Guillermo at IO I Dayanara Sen Ebora ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at PLTCOL Rodelisa San Buenaventura ng Bulacan Police Provincial Office.
Naisakatuparan ang gawaing ito kalakip ng layunin ng lalawigan na bigyang linaw ang mga katanungan at matalakay ang mga susunod na hakbanging isasagawa ng mga opisyal lalo na ang mga bagong halal sa barangay upang malinis ang mga barangay sa ilegal na gamot at makamit ang drug cleared LGU tungo sa mapayapa at ligtas na komunidad.

Kabilang sa mga nakiisa sa naturang gawain ay sina LnB President Bokal Ramilito Capistrano, at DILG Bulacan PD Myrvi Apostol-Fabia, at dinaluhan naman ng mga opisyal mula sa isang daan animnapu’t walo (168) na mga barangay sa lalawigan.

 


Featured Video