TSLogo

 

 

facebook page

 

Kaugnay ng implementasyon sa Executive Order No. 39, s. of 2023, ukol sa pagtatalaga ng price ceiling sa pagbebenta ng bigas, nasa 29 na beripikadong micro rice retailers ang nakatanggap ng 15,000 cash assistance sa ilalim ng programang Sustainable Livelihood Program-Economic Relief (SLP-ERS). Ang naturang aktibidad ay bunga ng magkatuwang na pagsisikap ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya ng Pilipinas (DTI), Kagawaran ng Agrikultura (DA), Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (DSWD), at Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Local (DILG).

Ang Executive Order No. 39 ay inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na naglalayong matugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa merkado kabilang ang presyo ng bigas, nakapaloob rin dito ang itinalagang presyo ng regular well-milled rice sa halagang Php 41/kg at well-milled rice sa halagang Php 45/kg.

 


Featured Video