TSLogo

 

 

facebook page

 

 

Ngayong araw, isinagawa ng DILG Bulacan LFP Team ang masusing inspeksyon sa proyektong "Upgrading of Farm-to-Market Road in Brgy. Borol 1st, Balagtas " na nagkakahalaga ng 6,606,882.17 milyong piso. Ito ay pinondohan sa ilalim ng F.Y. 2023 Support to the Barangay Development Program (SBDP).

Ang inspeksyon ay bahagi ng patuloy na pagtutok ng DILG sa pagpapatupad ng mga proyektong naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mga kalsadang pang-agrikultura sa bayan ng Balagtas.


Opisyal nang magagamit ang isang pick-up electric rescue vehicle ng bayan ng Doña Remedios Trinidad, matapos itong pormal na pasinayaan ngayong araw, ika-7 ng Hunyo 2024. Ang proyektong ito ay insentibo ng lokal na pamahalaan sa pagpasa sa Seal of Good Local Governance (SGLG) 2023, na nagkakahalaga ng 1,800,000 piso.

Ang nasabing pasinaya ay dinaluhan nina Regional Director Atty. Anthony C. Nuyda, CESO III, Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, Punong Bayan Igg. Ronaldo T. Flores, Bise Alkalde Igg. Marita L. Flores, MLGOO Maria Christine De Leon, mga pinuno ng iba't-ibang departamento at mga kawani ng lokal na pamahalaan.


TIGNAN | Ngayong araw, dumaan sa pagsusuri ng mga assessors mula sa DILG Region III ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan para sa 2024 Seal of Good Local Governance. Pinangunahan ito nina Atty. Anthony C. Nuyda, CESO III, Regional Director, Lerrie S. Hernandez, EnP, LGMED Chief, LGOO V Fatima S. Lalu, at IA 1 Cloyd Aaron G. Suba, kasama ang DILG Bulacan sa pamumuno ni Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia. Umaasa ang Pamahalaang Panlalawigan, sa pangunguna ni Gobernador Daniel Fernando na makakamit nila ang ikawalong beses na pagpasa at pagkamit ng SGLG.

 

Nakipagpulong si PD Myrvi Apostol-Fabia sa Panlalawigang Liga ng mga Barangay sa pangunguna ni Bokal Ramil Capistrano ngayong araw para talakayin ang mga programa ng Departamento tulad ng Barangay Road Clearing Operations (BarCO), Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program, Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG), Barangay Drug Clearing Program (BDCP) at iba pang mga programa para sa mga barangay ng lalawigan.

Ang pagpupulong din na ito ang naging daan upang lalo pang palakasin ang ugnayan sa pagitan ng Liga ng mga Barangay at ng Departamento.

 

Retirement honors for LGOO VI Lolita T. Silva and LGOO VI Maria Isabelita B. Cruz, recognizing their exemplary service spanning nearly three decades at DILG Bulacan. Their legacy of hardwork, dedication, and commitment, embodying the tatak DILG, "Matino, Mahusay, at Maaasahan," will inspire and guide young generations in the DILG Bulacan in the pursuit of public service excellence.

Maraming salamat LGOO VI Lolita T. Silva at LGOO VI Maria Isabelita B. Cruz.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video