TSLogo

 

 

facebook page

 

Sa ikalawang episode ng ALAGWA Bulacan – Gabay Serye, pinangunahan ng DILG Bulacan ang paghahanda ng mga Bulakenyo sa parating na tagtuyot o El niño. Ang nasabing programa na umere ngayong araw ika-29 ng Mayo, 2023 ay naitampok sa pamamagitan ng The Roving Radio Station at naibahagi rin sa pamamagitan ng dalawa pang magkaibang media platforms.

Kasabay ng isinagawang Buwanang Pagpupulong ng DILG Bulacan noong ika-22 ng Mayo, 2023, sa Bayan ng Balagtas, Bulacan ay nagkaroon rin ng pagkakataon ang mga kawani ng nasabing tanggapan na magkaroon ng konsultasyon at pakikipanayam sa mga Assistant Secretaries ng Kagawaran na sina ASec. Lilian M. De Leon, Assistant Secretary for International Affairs at ASec. Elizabeth N. Lopez De Leon, Assistant Secretary for Community Participation. Layon ng pagbisita ng dalawang opisyal na mas mapalakas ang ugnayan ng Punong Tanggapan sa mga Pampook na Tanggapan nito upang masiguro ang mabilis at epektibong implementasyon ng mga programa, proyekto at gawain ng Departamento sa Lalawigan ng Bulacan.

LOOK | Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia, CESO V and MED Chief Lerrie S. Hernandez awarded the cash incentive of ₱300,000 to Baliwag, Bulacan for being the Top Performer on Manila BAYani Incentives Awards 2022 for Municipal Catergory and ₱200,000 to Guiguinto, Bulacan for being the 2nd Placer in the 2022 Regional MANILA BAYani Awards.

Naghatid ng ngiti at saya sa mga residente ng Brgy. Siling Bata, Pandi ngayong ika-19 ng Mayo, 2023 ang inilunsad na Serbisyo Caravan na may temang #PROJECTPAGBANGON. Ang gawaing ito ay bahagi ng Retooled Community Support Program (RCSP) na layong labanan ang banta ng insurhensiya sa pamamagitan ng pagpapataas ng antas ng kamalayan ng mga residente ukol sa mga programa, proyekto at serbisyo ng Pamahalaan. Ilan sa mga serbisyo na nailapit sa mga mamamayan sa pamamagitan ng nasabing gawain ay ang mga sumusunod:

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video