The newly elected Sangguniang Kabataan (SK) Provincial Federation Officers, headed by SK President Casey Estrella Howard, took their oath before Governor Daniel R. Fernando of the Province of Bulacan. The activity was witnessed by Vice Governor Alex Castro, DILG Bulacan Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, Provincial Administrator Antonia Constantino, Outgoing SK President Robert John Myron Nicolas, and Special Assistant to the Governor, Michael Angelo Lobrin.
Ngayong araw, nagtipon-tipon ang lahat ng SK Federation Presidents mula sa 24 na lungsod at bayan ng buong lalawigan upang ihalal ang bagong mga pinuno na SK Provincial Federation, na siyang magsisilbing boses ng kabataan sa panlalawigang tanggapan ng Bulacan.
Bumida ang mga mag-aaral ng Polytechnic College City of Meycauayan (PCCM) sa ginanap na Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Symposium na sumentro sa “Barkada Kontra Droga: Promoting Drug Free Campus,” noong Nobyembre 23, 2023. Sa inisyatibo ng PCCM at City Anti-Drug Abuse Council ng Lungsod ng Meycauayan, inilatag ng PDEA Region III at DILG Bulacan ang mga programa ng pamahalaan upang matulungan ang mga mag-aaral na magkaroon ng kamalayan sa pag-abot na tuluyang maging drug-free campus ang kanilang kolehiyo. Binigyang pansin ni G. Gerald Cabarles, DILG Program Manager, ang mas pinalakas na adbokasiya ng pamahalaan sa ilalim ng BIDA Program sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng bawat sektor, kagaya ng mga paaralan, na tuluyang mailayo ang mga kabataan sa ipinagbabawal na gamot. Ang nasabing symposium ay isa sa mga aktibidad ng Multi-Stakeholders Advisory Council (MSAC) ng Bulacan kung saan ito ay nakapaloob sa Local Governance Resource Center (LGRC) na naglalayong mas paigitingin ang pagbabahi ng kaalaman sa mga programa ng pamahalaan.