- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 3221

Opisyal nang nanumpa sa tungkulin bilang bagong Pangulo ng Liga ng mga Barangay - Bulacan Chapter si Igg. Fortunato SJ Angeles, ngayong ika-28 ng Oktubre, 2024. Ang seremonya ay pinangunahan ni Punong Lalawigan, Igg. Daniel Fernando, kasama sina Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia ng DILG Bulacan, at iba pang mga opisyal ng LnB Bulacan Chapter.