TSLogo

 

 

facebook page

 


MAYO 20, 2024 - Muling nagsama-sama ang mga kawani ng DILG Bulacan, sa pangunguna ni Panlalawigang Patnugot, Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, para sa ikalimang DILG KONEK: Ang Panlalawigang Pagpupulong na ginanap sa Pandi, Bulacan.

Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mga detalye at paghahanda para sa mas maayos at mas komprehensibong pagtatasa ng mga lokal na pamahalaan para sa Good Local Governance (SGLG) at Seal Good Local Governance for Barangay (SGLGB) 2024. Kasabay din sa nasabing pagpupulong ang pag-uulat tungkol sa estado ng pagsunod at ilang mga paalala para sa mga kinakailangang pagsunod ng mga lokal na pamahalaan.

 

Ngayong araw, isinagawa ng DILG Bulacan LFP Team ang masusing inspeksyon sa mga sumusunod na proyekto sa ilalim ng F.Y. 2023 Financial Assistance to Local Government Units (FALGU):

1. Improvement of Farm-to-Market Road in Angat, Bulacan - Nagkakahalaga ng Php 10,000,000.00; at
2. Improvement of Farm-to-Market Road in Barangay Binagbag, Angat, Bulacan - Nagkakahalaga ng Php 5,000,000.00.

 
Ngayong araw, sinuri ng DILG Bulacan LFP Team ang Ambulansya na may kabuuang halaga na Php 2,000,000.00 sa ilalim ng F.Y. 2023 Financial Assistance to Local Government Units (FALGU) , sa brgy. Tigpalas, San Miguel.
Sa pamamagitan ng pondo mula sa FALGU, naipagpapatuloy ang hangarin na mapalakas ang kagamitan at serbisyo sa larangan ng pangangalaga sa kalusugan. Ang bagong ambulansya ay magiging katuwang sa agarang pagresponde sa mga aksidente, sakuna, at mga medikal na pangangailangan sa komunidad.
PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video