- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 233
Ngayong araw, isinagawa ng DILG Bulacan LFP Team ang pagsusuri sa mga sumusunod na proyekto sa ilalim ng Financial Assistance to Local Government Units (FALGU):
Ngayong araw, isinagawa ng DILG Bulacan LFP Team ang pagsusuri sa mga sumusunod na proyekto sa ilalim ng Financial Assistance to Local Government Units (FALGU):
Sa pangunguna ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, matagumpay na idinaos ngayong araw ang ika-8 DILG KONEK: Ang Panlalawigang Kumperensya sa Lungsod ng Baliwag. Ang aktibidad ay dinaluhan ni Punong Lungsod Ferdie Estrella kung saan ay kaniyang ipinahayag ang mainit na pagbati sa mga kawani ng Departamento, at kaniya ring ibinahagi ang mga inisyatibo at mga concerns ng lungsod.
Opisyal na inilunsad ngayong ika-19 ng Agosto, taong kasalukuyan, ang Paleng-QR sa Bayan ng Santa Maria. Ang pagpapatupad ng programang ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Pinangunahan ang naturang aktibidad nina Punong Bayan Bartolome Ramos katuwang si Market Master Elvis Luciano mula sa BSP. Sa kabilang banda ay nakiisa sa gawain sina LGOO VI Dante Boac at LGOO VI Jayfie Nasarro mula sa DILG Bulacan, at mga kinatawan mula sa DTI, TODA at mga nagtitinda sa merkado.
Layunin ng programang ito na isulong ang pagtanggap ng digital na pamamaraan ng pagbabayad sa mga palengke at pampublikong sasakyan upang mas mapabilis ang transaksyon sa pagitan ng nagtitinda at mamimili.