Nakiisa ang DILG Bulacan, sa pangunguna ng Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, sa pagdalo para sa ika-126 taong Anibersaryo ng Pagbubukas ng Kongreso ng Malolos, na may temang, “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.” na ginanap sa makasaysayang simbahan ng Barasoain.
Matagumpay na isinagawa ang Pangwakas na Balidasyon ng Provincial Assessment Committee (PAC) kaugnay ng pagtatasa para sa Barangay Environmental Compliance (BECA) ngayong taon. Sa nasabing aktibidad ay nagkaroon ng mabusising pagsusuri at deliberasyon ang komite mula sa anim (6) na barangay na nagkamit ng mataas na marka sa isinagawang paunang balidasyon na nagpamalas ng husay at galing sa pag implementa ng mga programa alinsunod sa Republic Act No. 9003 o kilala bilang “Ecological Solid Waste Management Act of 2000”.
Isinagawa ngayong araw ang malawakang distribusyon ng Comprehensive Governance Assistance na may temang "Handog ng Pangulo, Serbisyong Sapat para sa Lahat." Kaugnay nito, ang mga sumusunod nanaktibidad ay sabay-sabay na isinagawa sa tatlong pangunahing lugar sa Bulacan, na may layuning magbigay ng suporta at oportunidad sa komunidad:
Venue 1: Bulacan Sports Complex — Dito ginanap ang TUPAD Payout at Orientation at ang DOLE Awarding of Livelihood Assistance, na dinaluhan ng 1,000 katao. Ang layunin ng aktibidad na ito ay ang magbigay ng financial support at livelihood assistance sa mga benepisyaryo.
Venue 2: Waltermart Malolos — Dito ginanap ang Job Fair na naglalayong magbigay ng mga oportunidad sa trabaho para sa 200-300 kalahok.
Venue 3: TESDA Bulacan Gymnasium, Guiguinto, Bulacan — Isinagawa distribusyon ng Training Support Funds, Tool Kits, at Enrollment para sa mga scholars ng TESDA. Tinatayang 500 katao ang naging benepisyaryo ng mga programang ito.
Dumalo rin sa nasabing gawain ang Kalihim ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman, Kalihim Maria Antonia Yulo-Loyzaga, kasama ang Ikalawang Kalihim, Usec. Augusto D. Dela Peña, at si Solisitor Heneral Menardo I. Guevarra mula sa Tanggapan ng Solisitor Heneral na nagbigay suporta sa pagtaguyod ng layunin sa Bagong Pilipinas.
Ang programang ito ay pinangunahan ng administrasyon ng Pangulo sa ilalim ng Bagong Pilipinas Leadership Brand, na naglalayong tiyakin na mas mailapit ang gobyerno at mga pangunahing serbisyo nito para sa bawat mamayang Pilipino.